Sunday, August 16, 2009

Life of an OFW

NOTE: content is taken from an email circulated between friends, and most likely originated from an OFW.


Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ...
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . At dahil narin ng pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang mga mas nakababatang kapatid, ang sariling pamilya o iparanas sa mga magulang ang mas maginhawang buhay gayong matatanda na sila. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid at magtiis hangga't kaya. Kung sa America o mga bansa ng puti ay oo nakakakain sila ng masasarap at nakakapagluto ng anumang gusto, nakakakain ng steak na makakapal at mga buffet kahit sa almusal. Pero sa mga nasa middle east ay ibang iba. Hindi lahat ay masarap ang kinakain, lalo na ang mga nasa industrial area na limitado ang lahat ng galaw. madalas ay paksiw na bilasang isda, baka or taba ng baka na hindi mawari ang lasa, adobong manok na parang sweet & sour at sinigang ang style, itlog na hinaluan ng maraming harena para dumami or gulay na hinalukay at mabahong kanin na kailangang takpan ang ilong para lang malulon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya.. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya.. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy.. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming Kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap.. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?"..

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't Kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero
walang makitang tangible solutions or consequences. Hindi nila sasabihin ang totoong sitwasyon sa mga kamag-anak sa pinas sa kadahilanang ayaw nilang magalala ang mga ito, at ayaw din nilang alalahanin pa sila palagi, para anu pa, nakita na nya ang dating crush nung college at “inaalagahan” na nila ang isa’t isa. Matindi rin sa kasinungalingan, sasabihing nagoovertime, pero d lang pala makauwi pa dahil may nakapasak pa harapan. Sabagay d naman niliwanag kung anung klaseng overtime, sa trabaho ba o sa kamunduhan?

Malas din at bobo ang mga OFW - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Bawat minuto ay trabaho at kapag may oras pa ay sideline sa iba. Malas sila sa kadahilanang malapit sila sa lahat ng pagsubok sa buhay, sa lahat ng tukso. Sinusubok sila oras oras, at marami ang hindi na kinaya ng kalooban at nagpasyang umuwi ng pinas para makapiling ang mahal sa buhay. Marami ang minalas at nagdesisyong manatili sakabila ng pangungulila at nagpasyang magtampisaw na sa kataksilan. Mabigyan lang ng cellphone ay papayag nang kunan ng larawan ang hubad na katawan, Mapakain lang ng masarap at mabibigyan ng burger sa umaga kada oras ng almusal ay papayag ng bumukaka kinagabihan, mabola lang ng ibang lahi, matext sa araw araw at ma goodnight sa gabi ay bibigay na kalaunan. mapakitaan lang ng sasakyan 2nd hand man o 3rd hand na, basta tatakbo pa at may madilim na tint ang mga bintana ay pwede ng ipunta sa tabing dagat at gawing tira-han. Maraming mga OFW ang napakabobo, papatol sa ibang lahi at mangangarap ng magandang buhay, hindi nila alam, lahat ay pambobola lang, at ang mga pictures na pinapakitang bahay nila ay larawan pala ng mga pasyalan sa India at Nepal .

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kung kelan babaguhin ang sarili, mamumulat sa katutuhanan at
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos.. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo.. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag Kupal,Mayabang at utak-Talangka,) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", “ mekeni mangan tana”, “ kaluguran daka”, "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka at magbago na para karapat-dapat kang tawaging tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!